Novena to The Holy Trinity
Nobena Sa Banal Na SanTatlo

V.  Buksan mo nawa Panginoon ko ang aking mga labi
R. At ang bibig ko,y matutong magpuri sa iyo
V.  Diyos ko ako’y iyong alalayan
R. Panginoon,  bigla mo akong tulungan
V.  Luwalhati sa Ama,  sa Anak at sa Espiritu Santo
R. Kapara ng sa una ngayon at magpakailan man

PAGSISISI

    Lubhang kaibig-ibig na Diyos,  tatlo sa pagkapersona at iisa sa pagka Diyos;  Ama,  Anak at Espiritu Santo,  Ikaw na Sinasampalatayahan ko ng buong puso.  Ako’y nagsisisi  ngbuong puso at nagtitika na di na muling magkakasala sa iyo.  Patawarin mo ako sa lahat ng aking mga kasalanan at pagkalooban mo ako nang grasyang manatili sa mataimtim na debosyon sa iyo,  o kaibig-ibig kong Banal na Santatlo.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

    Kabanal-banalang Santatlo,  makapangyarihang Diyos,  sinasamba kanamin,  Ikaw na nagbibigay ng buhay at kalakasan sa bawat nilalang,  at nagbibigay liwanag na walang hanggan kung saan may kadiliman.  Inaalay namin sa iyo o kabanal-banalang Santatlo ang aming kalooban,  ang aming buong pagkatao,  ang aming pamilya at ang aming parokya,  ngayon at sa mga darating pang panahon,  upang maihandog namin ang wastong papuri,  pag-ibig saIyong dakilang Pangalan.

    O,  Amang makapangyarihan,  buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng biyaya at pagpapala na buong kagandahang loob na patuloy mong ibinibigay sa amin.

    O,  Hesus,  Kristong maawain,  hinugasan mo ang aming mga kasalanan ng Iyong kabanal-banalang dugo,  madama nawa namin ang pintig ng iyong puso,  nang matulad kami sa iyong maamo at makapagkumbabang puso.

    Mapagmahal na Hesus,  pawiin mo ang aming kahirapan at patawarin mo ang aming mga pagkakasala.  Panginoon,  patnubayan mo kami hanggan sa huling sandali ng aming buhay upang kami’y maging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig at pagpapatawad.

    Espitung Banal,  Ikaw ang aming gabay at liwanag na umaakay sa tamang landas.  At kung magkakaroon ng hadlang at pagsubok sa daang aming tatahakin,  huwag Mong pahintulot na kami’y mawalan ng pag-asa.  Ipagkaloob Mo sa amin ang mga biyaya para sa pang-araw-araw naming pangangailangan upang maibahagi namin ito sa aming kapwa.  At kung dumating ang takdang sandali ng aming buhay,  ihatid Mo kami sa buhay na puno ng kagalakan at walang hanggan kapayapaan,  siya nawa.
 
 

UNANG ARAW
(Pagbibinyag sa ngalan ng tatlong persona na iisang Diyos)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo(28:16-20)

    Noong panahong iyon:  Ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea,  sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus.  Nang makita sila ni Hesus,  siya’y sinamba nila,  bagama’t may ilang nagalinlangan.  Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila,  “Ibigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.  Kaya,  humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.  Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng espiritu Santo,  at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.  Tandaan ninyo:  ako’y laging kasama ninyo hanggan sa katapusan ng sanlibutan.”

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Sa bundok ng pagtuso tinanggihan ni Hesus ang alok ng kapangyarihan ng demonyo.  Ipinahayag Niya ang kanyang katapatan sa Diyos Ama.  Sa bundok ng pagbabagong-anyo,  ipinakilala na ang landas ni Hesus ay yaong pagsunod sa kalooban ng Ama hanggang sa kamatayan sa krus at pagkabuhay.  Sa bundok ng huling pagsusugo,  makikita si Hesus,  ang nabuhay at nagwagi laban sa kamatayan,  na taglay ang kapangyarihan galing sa Diyos Ama.  Siya ang nagsusugo sa mga alagad na tinanggap ng buong Simbahan.

    Ang Simbahan ay gumaganapp ng tungkulin ayong sa tinanggap na misyon ni Hesus at iyon at walang hanggan.  Sa pamamagitan ng kanyang utos ang mga alagad o tagasunod ay naatasang magbinyag upang maging mga alagad din at makapiling ang Santatluhan nasiyang unang hakbang lamang.

    Tulad ng mga unang alagad ni Hesus,  tayo rin ay may misyon mula sa Kanya sa pamamagitan ng binyag na ating tinanggap upang makahikayat ng mga tagasunod Niya at iyon ay ang pagsasabuhay ng kanyang utos.  “Ipahayag ninyo ang Mabuting Balita sa lahat ng bansa at binyagan sila sa ngalan ng Ama,  Anak at Espiritu Santo.”
 
 

IKALAWANG ARAW
(Ang patnubay na susuguin ng Ama sa pangalan ni Hesus ang magtuturo sa atin ng lahat ng bagay )

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(14:21-26)

    Noong panahong iyon,  sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:  “Ang tinatanggap sa mga utos ko at tumupad nito ang siyang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama;  iibigin ko rin siya,  at ako’y lubusang magpakilala sa kanyang.”  Tinanong siya ni Judas,  hindi ang Iscariote,  “Paanginoon,  bakit po sa amin lamang kayo magpakilala nang lubusan ay hindi sa sanlibutan?”  Sumagot si Hesus,  “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita;  iibigin siya ng aking Ama,  at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya.  Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita.  Hindi akin ang mga salittang naririnig ninyo,  kundi sa Amang nagsugo sa akin.

    Sinabi ka sa inyo ang mga bagay nito samantalang kasama pa ninyo ako.  Ngunit ang Patnubay,  ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko,  ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sainyo.”

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Ang pamumuhay sa pag-ibig ang nagpapatunay na tayo ay nananahan sa piling ng Diyos Ama,  Anak at Espiritu Santo.  Ang namumuhay sa pag-ibig ay tumatalima sa kalooban ng Diyos at kautusan ni Hesus.  Ang pagsasabuhay ng mga utos ni Hesus ay tanda mg pagmamahal sa Kanya.  Ang pagsunod o pagtalima sa utos Niya ay pagpapatunay ng pag-ibig na magiging daan ng pag-uugnay ng Diyos at ng tao.  Samantalang ang kawalan naman nito ang nghihiwalay o naglalayo sa daigdig upang magkaroon ng bahagi sa piling ng Diyos Ama at Anak.

    Ang Anak ay isinugo ng Ama upang tupdin ang kalooban Niya ang Banal na Espiritu ay gayun din.  Ang Banal Espiritu ang magbibigay liwanag sa Simbahan upang ipahayag ang kaganapan ng pagpapasakit ni Hesus.

    Tayo rin may pag-asang makapiling ang Santatluhan ang kabanalbanalan na Santatlo sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.  Ang pag-ibig sa Diyos ay maipapakita natin sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang utos.
  

IKATLONG ARAW
(Si Hesus at Ama ay iisa)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(10:22-30)

    Taglamig na noon.  Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pistang Pagtatalaga ng templo.  Naglalakad si Hesus sa tamplo,  sa Portiko ni Solomon.  Pinagligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya,  “Hanggan kailan mo kami pagaalinlanga?  Kung ikaw ang Kristo,  sabihin mo na nang tiyakin.”  Sumagot si Hesus,  “Sinabi ko na sa inyo,  ngunit ayaw ninyong maniwala.  Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin.  Ngunit ayaw ninyong maniwala,  sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.  Nakikinig sa akin ang aking mga tupa;  nakikilala ko sila,  at sumusunod sila sa akin.  Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan,  at kailan ma’y di sila mapapahamak;  hindi sila maagaw sa akin ninuman.  Ang akin Ama,  na nagbigay sa kanila sa akin,  ay lalong dakilang sa lahat,  at hindi sila maagaw ninuman sa aking ama.  Ako at ang Ama ay iisa.”

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo ang huling bahagi ng pagkikipagtalo ni Hesus sa mga taga Jerusalem.  Ito rin pagtatapos ng tema niya tungkol sa Liwanag at pagbubukas ng susunod na tema tungkol sa Buhay.  Ang kapistahan ito ay ipinagdirwang sa kalangitqan ng Disyembre upang alalahanin ang pagtatalaga ng templo noong ika-isandaan at animnapu’t limang siglo bago dumating si Hesus at ito ay mas lalong kakilala sa pista ng Liwanag hindi dahil sa nakaugaliag pagsisindi ng kandelebra bagkus ang pagbibigay liwanag sa kalayaan.  Ito rin ang pagkakataon na si Hesus ay naroon at tinatanong kung sino siya.  Ang mga Hudyo ay pilit pa rin nagtatanong kay Hesus kung siya ang Mesiyas maski na iyon ay kanya ng pinatunayan.  Una sa lahat,  ipinaaalala ni Hesus sa kanila ang kanyang mga ginawa na nagpatunay kung sino siya at ang mga taong sumusunod at tumatalimasa Kanya ang nakakikilala sa Kanya.  Ibinaling Niya ang tema ng usapan sa tupa at mabuting Pastol.  Ang pastulan na tinutukoy Niya ay ang buhay na walang hanggan sa dahilang Siya ang tunay na pastol na pinagkatawalaan ng mga tupa at walang sinuman ang makapaghihiwallay nito sa Kanya.

    Ipinahayag ni Hesus ang pangako ng kaganapqan ng buhay na dulot ng Ama.  Ang Ama at si Hesus ay iisa;  sila ay magkaisang-loob at diwa.

    Tayo rin mapapabilang sa kawan ng mga tupa ng Mabuting Pastol kung ating susundin ang Kanyang tinig at sumusunod sa Kanyang utos at magiging kaisa ng Diyos Ama at Diyos Anak.

IKA-APAT NA ARAW
(Ang Espiritu ng Katotohanan nag magpatotoo tungkol sa anak)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(15:26-16:4a)

    Noong panahong iyon,  sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:  “Ngunit ang Patnubay,  ang Espiritu ng katotohanan,  ang paparuto mula sa Ama.  Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama,  at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin.  At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin,  sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko na kayo.

    “Sinabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin.  Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga.  Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos.  At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako nakikilala ni ang Ama.  Ito’y sinasabi ko sa inyo upang,  pagdating ng oras na gawin nila,  maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Isa sa mga gawain ng Banal na Espiritu ay ang patuloy na pagpapatotoo kay Kristo.  Ang mga alagad din sa pamamagitan ng kaganapan ng buhay na ipinagkaloob sa kanila ni Hesus bilang Simbahan ay patuloy rin na magpapatotoo sa Kanyang mga gawain.  Ito rin ang gagawing patotoo ng Espiritu ng Katotohanan sapagkat iyon ay isinugo ng Anak mula sa Ama na magiging kaluluwa ng Simbahan.

    Ang Simbahan ay magdaranas ng pag-uusig mula sa mga kamay ng Hudyo at mga Hentil sa pag-akalang iyon ay pagsisilbi sa Diyos.  Iyon ay isasakatuparan ng mga taong may mabubuting kalooban subalit walang lubos na kaalaman tungkol sa tunay na Diyos o Kristo subalit iyon ay hindi dahilan upang hindi nila ito panagutan.

    Tayo man bilang kasapi ng Simbahan ni Hesus ay nakadaranas din ng pag-uusig mula sa mga taong inaakala nating mga kaibigan ng handang tumulong sa atin sa pag-aakalang ang ginagawa nila ay ayon sa kalooban ng Diyos.  Tulad din nila tayo ay nagiging taga-usig ng hindi natin namamalayan sa pamamagitan ng ating matatalas na dila.
 

IKALIMANG ARAW
(Si Kristo ay iniibig ninyo ay kayo ay naniwala)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(16:23b-28)

    Noong panahong iyon,  sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:  “Tandaan ninyo:  anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.  Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihangi sa kanya sa pangalan ko;  humingi kayo,  at kayo’y tatanggap,  upang malubos ang inyong kagalakan.”

     “Ang mga ito’y sinabi ko na sa inyo nang patalinhaga.  Subalit darating ang panahon na hindi na ako magsalita sa inyo nang gayon;  tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama.  Sa araw na yao’y hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan;  at hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama.  Iniibig niya kayo sapagkat ako’y iniibig ninyo at naniwala kayong nagmula ako sa Diyos.  Ako’y mula sa Ama at naparito sa sanlibutan  at babalik sa Ama.”

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Hinihikayat ni Hesus ang kanyang mga alagad na magtiwala sa Kanya.  Nangangako Siya na ibibigay ng Ama ang anumang hingin sa Kanyang ngalan.  Kayat,  hindi daapat mag-atubili na buksan ang damdamin at ihayag ang pangangailangan sa Diyos ay puspos ng pagibig sa sangkatauhan. Ang espiritung Banal ang magbigay ng liwanag upang mapawi ang pag-aalinlangan at mabatid ang  katotohanan ng pag-ibig ng Diyos.
 

IKA-ANIM NA ARAW
       (Upang tayo maging isa, kung paanong ang ama at anak ay isa)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon  ayon kay San Juan(17:11b-19)

    Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal , ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong  pangalan, pangalan ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa , kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyiong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi makasanlibutan. Hindi ko idinalangin alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama!  Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayon din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y italaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

 Ang Mabuting Balita Ng Panginoon

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Ang pagkakataon upang manalangin ay dumating na upang humingi ng patnubay at pagkalinga ang mga alagad lalo pa ngat nalalapit na ang pagkawala ni Hesus sa kanila. Ang pagkakaisa ng Ama at Anak ang modelo at pundasyon ng pagkakaisa ng mga alagad sapagkat ang bni Hesus ay walang iba kundi ang buhay na banal at maka-Diyos.

    Ang pagkamuhi ng daigdig sa liwanag ay nagbabadya ng pangangailangan ng Simbahan ng tagapagtanggol lalo pa ay kanyang iiwan. Ang salita ng Diyos ay ipinapahayag ng Simbahan. Ang patutunguhan ng Simbahan ay ang mamuhay sa mundo subalit hindi upang maging makamundo. Ang mga alagad ay ang bagong kaparian ng Bagong Batas at tulad din ngkaparian ng Lumang atas na hangdog sa Panginoon sila rin ay hangdog sa Panginoon subalit sa persona at higit na pakikiisang pamamaraan na magaganap lamang sa pamamagitan ng Espiritu ng Katotohanan. Ang misyon ng Simbahan ay tulad ng misyon na tinatangap ni Hesus mula sa Ama sa gayon ang kanilang paghahandog ay iisa.

    Tayong kabilang sa kaparian ng Bagong Batas ay handog din sa Panginoon at tulad ng pagkakaisa ng Anak sa Ama at sa Espiritu Santo tayo rin ay inaanyayahang makiisa sa kanila sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan.
 

IKAPITONG ARAW
(Kung paanong sinugo ako ng Ama Gayon din naman, sinusugo ko kayo:
 Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(20:19-23)

    Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinidang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niyaang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumaiyo ang kapayapaan! Kung paanongsinigo ako ng Ama, gayon din naman, sinugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espirito Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad nanga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita Ng Panginoon.

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Ang hangdog ni Hesus na nagwagi sa kamatayan ay kapayapaan. Pagkatapos ng kanyang pagkabuhay ay nagpakita si Hesus sa kanyang mga alagad upang ipadama sa kanila ang handog ng bagong buhay. Itinalaga sila ni  Hesus sa kanilang misyon. Pinagkalooban sila ng kapangyarihang mapatawad. Ang pagpapatawad. Ang psgpapatawad ay pagbibigay ng  pagkataong magpanibagong buhay. Sa Simbahan ipinagkatiwala ni Hesus ang gawain ng pagliligtas

    Ang pagbibigay ng  Espiritu sa mga alagad ay pagbibigay sigla sa Simbahan na mararanasan sa liturhiya at nakapaloob sa katutuan na Sinbahan. Nais din ipakita na ang pagbibigay ng Espiritu ang pinagmulan ng Sakramento ng Pagpapatawad. `

IKAWALONG ARAW
(Kung hindi ako aalis, hindi paparito sa inyo ang patnubay)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(16:5-11)

    Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Ngayo’y paroroon na akon sa nagsuga sa akin. Wala isa man sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. At ngayo’y sabihin ka sa inyo, natigib kayo ng kalungkutan. Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: sng pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung aalis ako, susugin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at kung ano ang kahatulan. Mali sila sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa kahatulan, sapagkat hinatulan na ang pinuno  ng sanlibutang ito.”

Ang  Mabuting Balita Ng Panginoon.

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Ang mga alagad ay tunay na nagulumihanan dahil sa kakulangan ng pang-unawa sa pagpahayag ni Kristo ng kanyang paglisan at ang kanilang ugnayan ay mapuputol. Ang kanilang isip ay hindi nakatuon sa tamang kamalayan at maski ang katanungan tungkol sa kanyang  patutunguhan ay hindi tunay nauunawaan. Pagkalisan ni Hasus ang Simbahan ay maahaharap sa mabigat na pagsubok ng sandaigdigan subalit ang Banal na Espiritu ang siyang magiging patnubay at hahatulan ng Espiritu ang sandaigdigan ayon sa kanyang kasalanan. Ang kasiglahan ng Simbahan sa pamumuhay ng buhay ni Kristo aay pagpapakita na ang prinsipe ng sandaigdigan ay hinatulan na.
 

IKASIYAM NA ARAW
              (Ang lahat na Ama ay akin.  Sa akin magmumula ang ipahayag na Espiritu ng
Banal sa inyo)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan(16:12-15)

     Noong panahong iyon,  sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:  “Marami pa akong sasabihin sa inyo,  ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon.  Pagdating ng Espiritu ng katotohanan,  tutulungan niya kayo upang maunawain ninyo ang buong katotohanan.  Sapagkat magsasalita siya hindi sa saganang kayang sarili;  sasabihin niya sa inyo ang kanyang naririnig,  at ipapahayag ang mga bagay na darating.  Paparangalan niya kauo,  sapagkat sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.  Ang lahat ng sa Ama ay akin;  kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

(Ilang sandaling katahimikan para sa pagninilay)

Komentaryo:

    Hanggang ngayon sa huling kabanata ng buhay ni Hesus sa mundo napakaraming ibig niyang ipahayag subalit kailangan hintayin ang tulong  ng pagpapa liwanag ng Espiritu ng Katotohanan. Si Kristo ay nagpapahayag tungkol sa kanyang na may kinalaman sa Ama at gayun din sa Espiritu. Ang pagpapahayag ng tungkol sa mangyayari sa kanya ay isa  sa mga gawain ng Espiritu subalit ang magaganap sa kanya sa Huling Hapunan at sa Muling Pagkabuhay ay ipaliliwanag ng Espiritu. Ang luwalhating tinanggap ng Anak mula sa Ama ay ipinagpatuloy sa Simbahan ay bunga ng pakikiisa ng Amaat Anak at gayun din ng Espiritu Santo.

    Ang pakikiisa natin sa bawat isa, kasapi man a hindi ng Simbahan ay pagpapatunay ng pagpapatunay ng pakikiisa ng Simbahan sa Ama, Anak at Espiritu Santo.
 

SUMASAMPALATAYA

    Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
    Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya lalang  ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at ibinaon. Nanaog sa impiyerno; nang may ikatlong araw nabuhay na muli. Umakyak sa langit; naluklok sa kanan na Diyos makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
    Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, na may Santa Iglesya Katolika; may kasamahan ng mga Santo, may buhay na walang hanggan. Amen.
 

PANALANGIN NG BAYAN

V. Ang Ama sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay nagbibigay buhay sa pagkatao ni   Kristo na Kanyang Anak, at siya’y naging bukal nang buhay para sa atin; Ipagbunyi natin ang kapurihan ng banal na San Tatlo.

R. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo…

V. Ama,  makapangyarihan at walang hanggang Diyos,  isugo mo ang Banal na Espiritu sa iyong Iglesya sa ngalan ng Iyong Anak upang manatili ang pagkakaisa sa pagkakawang gawa sa kabuuan ng katotohanan.

R. Luwalhati sa Ama,  sa Anak at sa Espiritu Santo…

V. Panginoon,  magpadala kang manggagawa sa Iyong ubusan upang magpalaganap ng katotohanan sa lahat ng bansa at mabinyagan sila sa Ngalan ng Ama,  Anak at Espiritu Santo.

R.  Luwalhati sa Ama,  sa Anak at sa Espiritu Santo…

V. Ama ng mga buhay,  hayaan mong ang mga pumanaw ay makabahagi ng Iyong kaluwalhatian.

R. Luwalhati sa Ama,  sa Anak at sa Espiritu Santo…

V. Ama,  sinugo Mo ang Iyong Salita upang makita namin ang katotohanan at Iyong Espiritu nang kami’y maging banal.  Sa pamamagitan nito nauunawaan namin ang kahiwagaan ng Iyong buhay.  Tulungan Mo kaming sambahin Ka,  isang Diyos sa Tatlong Persona sa pagpapahayag at pagsasabuhay ng aming pananampalataya sa Iyo.  Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo,  ngayon at magpasawalang hanggan,  Amen.
 

LITANYA SA KABANAL-BANALANG SANTATLO

 Papuri sa Banal na Santatlo na laging nagkakaisa.  Nagluluwalhati kami sa kanya dahil ipinakita niya sa amin ang Kanyang pangangalaga.

N. O Panginoon naming Diyos,  nakagigilalas ang Iyong Ngalan sa buong sandaigdigan

B. O kalaliman ng mga yaman ng katalinuhan at katarungan ng Diyos!

Panginoon,  Maawa Ka.
Panginoon,  Maawa Ka.

Kristo,  Maawa Ka.
Kristo,  Maawa Ka.

Panginoon,  Maawa Ka.
Panginoon,  Maawa Ka.

Diyos nasa langit    *Maawa Ka sa amin

Diyos Anak na tumubos ng sanlibutan    *

Maawa Ka sa amin    *

Diyos Espiritu Santo,    *
Banal na Santatlo,  Isang Diyos    *

Ama pinagmulan at hantungan ng lahat    *
Anak tagapamagitan ng lahat    *
Espiritu Santo nanahan sa lahat    *

Banal at di nahahating Santatlo    *
Amang walang hanggan    *
Kristo Bugtong na Anak ng Ama    *
Espiritu bunga ng pag-ibig ng Ama at ng Anak    *
Tatlong Persona sa iisang Diyos    *

Ama,  ang lumikha    *
Anak,  ang Manunubos    *
Espiritu Santo,  ang Mang-aaliw    *
Banal,  Banal,  Banal,  Panginoon Diyos ng mga hukbo    *

Siya ngayon,  Siya noon,  at Siyasa darating    *

Kataas-taasan Diyos na nabubuhay nang walang katapusan    *
Tanging pinaglalaanan ng lahat ng karangalan at papuri    *
Ang tanging gumawa ng mga dakilang kababalaghan    *
Kapangyarihan walang katapusan    *

Karunungan hindi masayod    *
Pag-ibig na walang hanggan    *
Banal na Santatlo,  pakinggan Mo kami
Pinipintuhong nagkakaisa,  pakakinggan mo kami

 Ikaw Diyos Amang walang pinagmulan,  Ikaw bugtong na Anak,  Ikaw Espiritu Santong mapang-aliw,  banal at di mapaghihiwalay,  sa kaiburan ng aming mga puso ay ipinagbubunyi Ka namin,  pinupuri Ka namin at ipinagdiriwang Ka namin na mailay sa Iyo ang kaluwalhatian Mong walang hanggan.

V. Ipagbunyi natin ang Ama,  Anak at Espiritu Santo

W. Purihin natin Siya at ipagdangal magpasa walang hanggan
 

PANGWAKAS NA PANALANGIN

    Makapangyarihan Diyos,  Ikaw na nagbibigay sa amin ng pahintulot na ipahayag ang tunay na pananampalataya upang makilala ang kaluwalhatian ng walang hanggan Santatlo at sa kapangyarihan ng kanyang kabunyian upang sambahin ang pagkakaisa ng Ama,  Anak at Espiritu Santo.  Ipahintulot mo po na sa pamamagitan ng pananatili ng nasabing pananampalataya,  kami ay ipagsanggalang sa lahat ng kapahamakan,  Amen.

    Palayain Mo kami,  iligtas Mo kami,  pasiglahin Mo kami,  o Banal na San Tatlo.

Approved by the Diocese of San Pablo 199
@ 1999 Rev. Fr. Jessie Somosierra, Jr., All Rights Reserved